Monday, December 29, 2008

Regalo

Sa araw ng Pasko, hindi sa regalo nasusukat ang pagmamahal... pagkakaibigan... at pagtitinginan.“People making list buying special gift,
Thinking time to be kind to one and all.
It’s the time of year when good friends are near,
and u wish u could give more,
Finding presents on the store.
Why don’t you give love on Christmas day,

Even the man who had everything,
would be so happy if you would bring,

Give love on Christmas Day,
No greater gift is there than love”

Ilang oras na lang... PASKO NA NAMAN!!! Oras na para buksan ang mga regalong natanggap at naipamigay. Parang kelan lang nakuha ko na ang aking 13th month pay at salary bonus. Nang nakuha ko na ang mga ito, excited ako mamili ng mga regalo na aming ipamimigay sa araw ng Pasko. Inuna ko muna sa listahan ng reregaluhan ang mga KAPAMILYA, mga TUNAY NA KAIBIGAN, at mga INAANAK na halos hindi ko na matandaan kung ilan –yung iba nga inaanak ko pala hindi ko pa lam, yung iba high school na namamasko pa, nakakahiya naman hindi mo bigyan ng aguinaldo..okay lang masarap naman magpaligaya sa araw ng PAsko...hindi mo naiisip ang butas mong bulsa. Ang nasa isip ko lang pag araw ng Pasko ang magpasaya ka ng taong mahal mo.Lahat ng nasa listahan ng aking mga bibigyan ng regalo sa araw ng Pasko ay mga tunay na nakakaintindi ng diwang Pasko – ang pagbibigayan at hindi yung paramihan at payabangan ng regalong natanggap, pagandahan at pamahalan ng presyo, mga taong napapasaya namin taon-taon kahit maliit na bagay lang ang maibigay sa kanila.Pasencya naman sa mga taong hindi namin naisama sa listahan, maliit lang naman ang bonus ko sana maintindihan nyo ko... yaan nyo pag ako ang naging general manager ng Pascual Laboratory, kahit hindi Pasko may regalo kayo sa akin ng Oracare –may kasama pang toothbrush. Hehehe! Kaya huwag na kayo magtampo, kahit tampong pururot lang wag lang yung tampong OA –yung tipong dinededma nyo yung text ko, halos burahin nyo agad yung text message ko kahit hindi nyo pa nababasa o kaya i-block nyo ko sa friendster account nyo at magcomment ng napakasaklap...(wag naman ganun!!! Anu kayo mga isip-bata?) Sana naman ay okay na sa inyo ang makatanggap ng text message sa akin sa araw ng PAsko ng; HOHOHO... Merry Christmas to all of you...Godbless!!! Kahit na pinatigil ng Globe at Smart ang unlitext at unlicall sa araw ng Pasko, aba at least naalala namin kayo, sabihin na nating piso lang ang text, it’s the though that count ika nga, kung milyon kayong ite-text ko, PhP1,000,000.00 din yun. Kung pwede lang mangutang o magpalista sa mga mall gagawin ko, mapasaya ko lang kayo.
Paki-tandaan na lang sa araw ng Pasko, hindi sa regalo nasusukat ang pagmamahal... pagkakaibigan... at pagtitinginan.Sa pagiging Ninong ko sa araw ng Pasko, hindi nawawala dyan ang regalo o perang ibinibigay ko sa tuwing dadalawin nila ako sa araw na ito. Sa ngayon meron na yata akong 15 inaanak, halos hindi ko na mabilang kung 15 nga ba... Ninong ako sa mga anak ng pinsan ko, kaibigan, kaklase nuong college, kabarkada, kaibigan, bestfriend at yung ilan kakilala lang ni tatay o nanay kaya ako ang sinabak sa binyagan. Okay lang naman maging ninong, ang maging guardian o 2nd parent, yun nga lang pagpasko ka nga lang nila naaalala, kahit yung iba hindi mo na nakikilala eh karapatan mo pa ring magbigay ng aguinaldo kahit masakit sa bulsa. Iniisip ko na lang na ako naman ngayon ang babawi, dahil baka ganito din ang iniisip ng mga ninong at ninang ko nuong bata pa ako, sa tuwing araw lang PAsko ko sila namamanuhan.

Marami na ring Pasko sa aming buhay na walang nakaalala ngunit ni minsa'y hindi namin yun ginawang dahilan upang maging Grinch sa araw ng Pasko o sa mga taong nakalimot... naiintindihan naming sadyang maraming nilalang sa mundo at hindi lahat ay may kakayanang magregalo sa lahat ng kanilang minamahal... lalo na kung sobra kang mapagmahal tulad namin ng aking asawa.”Ipinanganak si Kristo upang ituro sa atin ang daan tungo sa buhay na walang hanggan... hindi Sya bumaba rito upang turuan tayong maging mapait sa mga taong di nagbibigay ng regalo... Alalahanin natin sa araw na ng Kanyang pagsilang ang mga dahilan kung bakit Sya naparito upang sa gayon wag natin masyadong maisip kung sino ang nakalimot magbigay ng regalo... dahil sadyang napakababaw ng regalo kung ihahalintulad sa kapayapaang dulot ng tunay na pagmamahal na syang itinuro Nya sa atin... pagmamahal na walang hinahangad na anumang kapalit... pagmamahal na handang magpakasakit...”

Habang tumatanda ka dumarami din ang inanak mo, dumarami din ang nagiging kaibigan at kakilala mo, kaya dumarami din ang reregaluhan mo sa araw ng Pasko. Tama ba ko?

Masama man ang loob ng ilan sa paggastos ng perang inasam-asam tuwing sasapit ang Disyembre bunga ng isang taong pagiging model employee, wala kang magagawa Christmas time na kasi. Hindi ba nakakaexcite mamili ng mga regalo? Ang saya kayang gawin yung ikutin mo ang buong mall at puntahan ang lahat ng sikay na tiangian na nababalita sa TV Patrol, makahanap ka lang ng perfect gift para sa inaanak mo. Magti-tiangge hopping ka para alam mo kung saan ka makakamura at mapapagkasya mo ang budget mo para sa lahat ng taong nais mong regaluhan. Ang nakakatuwa pang ugali natin, sa tuwing may nakita ka ng magandang regalo para sa isang tao, kahit mura na ito hahanap o lilibot ka pa para makahanap ng mas mura, kung hindi man ay babalikan mo ulit ang item na ito saka mo tatawaran ng sobra-sobra. Tulad namin ni Nina, halos nalibot na yata namin ang lahat ng tianggian, mula sa Balagtas hanggang Baliuag, mula Divisoria hanggang Trinoma, sama mo pa ang SM Marilao hanggang Trinoma.Kanina lang nakuha ko na ang salary ko, kaya naman nakipagsiksikan kami ni Nina sa SM Marilao, maihabol lang ang ilang nasa listahan namin na hindi pa nabibilan ng regalo.Isipin na lang natin na minsan lang naman sa isang taon na tayo’y gagastos hindi man para sa atin kundi para sa ibang tao. Minsan isang taon lang naman natin nabibilhan ng regalo ang mga inaanak. At minsan lang din naman sa isang taon natin mareregaluhan ang mga tunay nating kaibigan at kamag-anak na hindi rin naman marunong magregalo (sana tamaan kayo!). Ito ang panahon ng pagbibigayan hindi paggingi! Kaya i-enjoy na lang ang lahat kahit gumastos. Siguro kahit papaano, makakabawi tayo sa mga kasalanan natin kay Lord. Hahaha!!!

Friday, December 19, 2008

Misa De Gallo 2008

Kampana ng simbahan ay nanggigising na... na wari’y nagsasabi na tayo’y magsimba...Nagsimula na ang taunang tradisyon nating mga katoliko tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan, ang simbang gabi. Tiyak, mapupuno na naman ang lahat ng simbahan sa lahat ng bayan. Anu nga ba ang meron sa simbang gabi? sa buong siyam na araw ay punong-puno ang simbahan sa mundo, saan man may katiliko? Nagpapamigay ba ng aguinaldo si Father kapag nakakumpleto ka? May free breakfast meal ba kada tapos ng misa? O artista ba ang nagbabasa sa unang pagbasa? At bakit sa ordinaryong araw ng linggo, halos hindi mo mabilang ang bakanteng upuan? Malaki pa ang populasyon ng nagsisimbang mga silya kesa sa mga taong naduon. Hindi kaya dahil cool ang dating pag present ka sa simbang gabi? Dahil ba mas maganda ka o gwapo kang tingnan pag bagong gising? Masrap magsimbang gabi dahil nanduon ang kabarkada’t kaibigan mo’ng ginagawang tambayan ang labas ng simbahan habang nagtitext o nagkukwentuhan? O dahil gusto mo lang magsimba para magmukha kang mabait sa lahat ng taong kakilala mo duon?
Bakit ko nasabi ito? Nakakakunsensya ba? Lakas ba ng tama? Pati ako tinamaan... tagos hanggang puso sa sarili kong panaman... dahil ganyan ako nuong binata pa ako, tinatamad akong magsimbang-gabi kung hindi aattend ang ilang kaibigan ko. Gawain namin nuon, gisingan at tapikan sa bintana ng kanya-kanyang kwarto, magising, makasama at mabuo lang ang barkada sa pagpunta ng simbahan. Magpapa-late kami ng kaunti, mga 5 minutes bago magsimula ang misa, para pagdating ng simbahan may excuse kami na hindi makaupo sa gitna – dahil punong-puno na ang simbahan ng oras na iyun. Mas gugustuhin namin kasing makapwesto lang sa gilid ng simbahan, may dahilan kami para lumabas kahit anung oras man ginusto. Yung gilid na gilid ng simbahan o kaya ay nakatayo lang malapit sa pintuan. Sa simula ng misa akala mo’y taimtim na nagdarasal, ngunit sa kapag nagsimula na ang mga basahin at sermon, ayun! Hanap na ng pwestong mauupuang mga baitang sa labasan ang ilan sa amin –upang magkwentuhan, magplano kung ano’ng masarap kainin pagkatapos ng misa, at magpapayabangang maikukumpleto ang 9 na araw. Pagtapos ng sermon, banal na naman kunyari... marinig lang ang hudyat na...”Ang Salita ng Diyos...Salamat sa Diyos”, sabay biglang tayo at mukhang dangbabait, nakayukong naglalakad pabalik sa pwesto saka taimtim na pakikinggan ang sinasabi ng pare. Mag-iisip at pagsisisihan ang nagawang kasalan saka hihiling ng sankaterbang. Pagkatapos ng misa...
Mokong: “Sarap ng piling no? Parang ang bait-bait ko pagnagsisimba?”
Chicklet: “ Ooo nga.. parang nahugasan ang kasalanan ko...”
Noel: “Bukas ulit! Walang aabsent!”
Arren: “Gisingin nyo ko pag di ako nagising mag-isa ha? Sarap palang magsimba...”
Mga ulol! Sarap nyong pagbabatukan ng bonggang-bongga!

Exagged lang po ang kwento ko, pero hindi naman nalalayo sa mga gawain namin noon... mga gawaing ng karamihan sa atin. Yung iba nagpapayabangan pa!
tuloy!”
Joy: “Kaya nga ako bukas na bukas...magbabago na!”
Lanie: “Ako din Promise!”
Honey: “Tinamaan ako kanina sa sermon ni Father!”
Mey: “ Ako din eh! Sapulk na sapul dito o!”
Anne: “Nakakakunsensya ch tuloy ako... parang ako pinaparinggan ni Father eh!”
Cattleya: "Sobra naman si Father, ako yata pinaparinggan...hehe"

Mey: “Oh! Bat kasama ka dito..eh Iglesia ka?”
Cattleya: “ Wala Trip ko lang maisama sa kwentong blog na ito!”
Tamang-tama sa puso ang bawaT sermon... nakakakunsensya...pero kung tatanungin mo naman sila tungkol sa mensahe ng Ebanghelyo...Daig pa nila ang mga taong natanong ng,
“What is the world’s no.2 anti-dundraff shampoo?”
At kulang na lang sabihin nila’y,
“Hmmm...I really don’t know!”
Dahil sa mayayabang at nagdudunung-dunungan...
Mey: “ahhh...antok na utak ko para mag-isip weh!Basta yun un...text ko sayo mamaya paggising”
Honey: “Teka! Alam ko yan eh...Nasa dulo lang ng dila ko...anu ba yun! Kape nga muna tayo! Kwento ko sayo mamaya!”
Saka aalis at iibahin ang usapan.
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami, ang simbang gabi ay naging isang social event na. Ika nga, isang panahon ng gimikan, pakwelahan, kwentuhan ng kung anu’ng napanood nu’ng gabi, tsismisan sa nabalitan sa “Chica Minutes” o “Star Patro”, kamustahan, kung anong oras natulog at nagising, payabangang makakakumpleto, bondingan, textingan, at hindi mawawala ang pormahan at ligawan. Pero hindi na ako ganyan ng ngayon. Good boy na ko mula ng makunsencya ako sa sermon ng titser namin nuong high school sa religion –musta na Sir Cruz?- ang maisama nya sa lesson ang gawain ng kabataan sa loob ng simbahan tuwing magsisimbang gabi.
Unang simbang gabi ngayong taon, alas-kuatro pa lang ay nagising na kami ni Nina sa akas ng alarm ng cellphone ko. Alarm tone ba naman eh ang themesong ng Pinoy Fear Factor. Sarap na sarap ka sa pagtulog at gandang-ganda sa panaginip saba’y makakarinig ka ng
“Hindi umuurong... sa hamon ‘di sumusuko... di aatras, ‘di kakalas... ipapakita nag lakas! Ang tapang mo’y ilalabas, kakayanin ang lahat! Nasa aking mga kamay ang pag-abot sa tagumpay....”
Hindi ba? Napaka-inspirational at natutugma yung alarm ko? Kaya kakayanin mong imulat ang nagmumuta mong mata at uunatin ang tulog mo pang mga ugat. Sabay bangon sa hinihigaan na parang may mabigat na nakadagan. Feeling ko tuloy sa mga oras na iyon hinahamon ako sa isang pagsubok ng PFF. Grabeh! Hirap kayang bumangon, dang lamig na ng hangin sa labas, napuyat ka pa sa kakapanood ng mga palabas. (Nakks! Rhyme...magmakata kaya ako?)
AAminin ko, tamad at takot akong maligo sa tuwing magsisimbang gabi. Sabihin nyo ng Yaki Kadiri to death ako, paki mo! Wag nyo kong pakialaman, may style ako dyan... para di halata..in just 10 steps in 10 minutes to prepare...
STEP 01: Basain ang mukha ng malamig na tubig gripo.
STEP 02: Gamitin ang dove bar soap sa paghilamos ng mukha. Wag yuing ordinary soap lang...nakaka-dry!
STEP 03: Ahitin ang patubong mga balbas at bigote.
STEP 04: Banlawan at siguraduhing maisama ang mga muta sa kasulok-sulukan ng inyong mga mata.
STEP 05: Basain ang kamay. Wag ipagpag!
STEP 06: Ipahid ang naglalawang mga kamay sa buhok.
STEP 07: Ulit-ulitin hangga’t maramdamang tumutulo na ang tubig sa noo at batok mo.
STEP 08: Gamit ang tuwalya, idampi ito sa iyong ulo at punasan ang excess water.
STEP 09: Pag medyo tuyo na ang buhok at mukhang malambot na sya... kumuha ng baby oil o wet-look gel –pwede din styling wax kung meron sa bahay- at ilagay sa inyong buhok.
STEP 10: Magsuklay at..VOILA! Feeling fresh ka na..feeling Wow ka pa! Saka uminom ng mainit at matapang na kape para gising na gising. (For best result wag lagyan ng asukal... o kahit tubig pwede rin)
Malapit-lapit din naman ang simbahan sa bahay namin, mabuting maglakad-lakad na lang kese sumakay ng tricycle. Nang sa gayon, nagigising din ng paunti-unti ang dugo namin sa katawan. Exercise ba ga! Panlaban sa lamig. Nangangatog kasi bibig ko pag nakasakay sa tricycle tapos yung lamig ng hangin humahampas sa mukha mo...grrrrr dang ginaw!Dagsa ng mga kabataan ang labas ng simbahan at ng mga katandaan ang loob ng simbahan. Huwag na kayong magtaka, dahil hindi pa ko nakakakita ng katandaang nakatambay sa labas habang nagtitext, at mga kabataang nag-uunahang maka-upo sa front seat malapit sa latar.
Puno na ang loob ng simbahan kaya’t naghanap na lang kami ng ibang lugar. Sa annex section, marami pang bakanteng silya, kaya’t dali-daling umupo baka maagawan pa ng iba. Sarap ng piramdam magsimba ng ganitong oras, parang lahat ng taong makita ko ay ubod nang babait, yung iba nagdadasal at yung ilan parang natutulog langt. Masarap din sa pandinig sa tuwing maririnig mo ang mga choir na nag-eensayo ng kanilang aawitin, at masarap ding tingnan ang pinaghandaan at ginastusang disenyo ng simbahan –ang belen, christmas lights, advent wreath at iba pa.Hindi na rin natin maipagkakaila na ang simbang gabi para sa nakararami, ay isa ring pagkakataon upang salubungin nang nararapat ang Pasko ng Pagsilang. Ang siyam na araw ay ang tunay na pamamaraan upang higit na maunawaan ang pananampalatayang kristiyano at pamumuhay bilang katoliko.Kinagawian na natin ang siyam na simbang gabi ay ginugugol uang palaumin, palawakin at palaguin ang kaalaman ng bawat tao sa pananampalatayang kristiyano. IIsa lamang ang tema ng siyam na paksang binibigyang paliwanag sa sermon ng pari sa loob ng siyam na araw.
Ang pakay ko? Hayaan ko na lamang magwika sa aking puso ang mga sinasaad ng bawat pagbasa. Layuning pagpira-pirasuhin ang salita ng Diyos at hayaang manuot sa aking katauhan, kaisipan, kalamnan at kamalayan bilang kristiyano. Nakks! Banal ka na naman ah! Iba talaga nagagawa sa’yo ng sermon!

Tuesday, December 16, 2008

Survivor Gabon (Sole Survivor)


Survivor: Gabon - Earth's Last Eden is the seventeenth season of Survivor. The winner of this season, Bob Crowley, oldest winner in Survivor history defeated Susie Smith and Sugar Kiper in a final vote 4-3-0.


1. Tribe Selection: Similar to Survivor: Thailand, the oldest male and female players will choose their tribemates.
2. Disposable Immunity Idols: Similar to last season, the players competed for individual immunity for their first visiting Tribal Council.
3. Exile Island: Exile Island returns this season, with some new tweaks.
6. The banished player will pick one of two bottles, one will grant idle comfort (a semi-lavish shelter with a fruit basket inside), while the other will provide idol protection (a clue to the Hidden Immunity Idol somewhere around the vicinity).
7. If the player chose to look for the idol, he/she must rest outside of the shelter.
8. If that player chose to enjoy the comforts of the shelter, the player in question cannot look out for the idol.
9. Hidden Immunity Idols: Two Hidden Immunity Idols were available this season, one during the tribal phase of the game, and another during the second tribe switch.
10. Double Tribal Council: In Day 21, both tribes must go to Tribal Council to eliminate one of their own.
11. Two Tribe Switches: There are two tribe swaps in this season, the first one in day ten, and the other in day twenty three.
12. Delayed Merge: Due to the surprise second Tribe Switch, the merge was delayed for three days, merging with nine remaining contestants
13. Final Tribal Council: The finale returned to the Final Three, seven-person Jury format, similar to Survivor: China.

14. This is the only season to have two tribe switches.
15. This is the first season since Survivor: China to feature a seven-member jury with a Final 3.
16. This is the first season with an 18 player cast where the jury began before the merge.








Tuesday, December 9, 2008

Pacquiao vs Dela Hoya

Ang Labanang Pacman at Golden Boy!Linggo, araw ng laban ni Pacman at Golden Boy sa las Vegas, Nevada. Tinituluhan itong “The Dream Match”, ang kauna-unahang paghaharap ng 2 sa boxing ring. Sinasabing "Fight of the Year”, asahan nyo nang magmumuhang ghost town ang mga kalye ninyo sa umagang ito. Bibihira rin ang sasakyang makikita mo. Dahil ang 2 palaaway na ito ay magtutunggali na sa wakas. Lahat ng pinoy ay nakatutok sa laban ng 2, yung iba nagbayad pa para sa PPV, manood sa isang bar, sinehan o sa isang malaking stadium. Yung iba naman susubaybayan pa rin kahit hindi real time ang labanan. Sa channel 7, kung saan aabutin ka ng alas-3 o alas-4 ng hapon bago malaban kung nanalo nga ang manok mo, dahil sa dami na rin ng commercials. Ngunit di pa magpapahuli ang kalabang istasyon, ang channel 2, dahil real time naman nilang inew-newscast ang laro, para mawalan ng excitement ang nanonood sa kapuso network (Network war nga naman Utakan lang yan!).
Sino ang pick ko? Ewan ko! Wala! Bahala na sino manalo...ayokong manalo si Pacman, bakit? Dahil yumayabang sya, lalo na ngayo’t si De La Hoya pa ang kalaban nya. Ayoko rin namang matalo si Pacman, Bakit? Dangal at tagumpay nating mga Pilipino ang nakasalalay dito (Nakkks Makabayan..anak ng pu...!). bago ang laban, dang daming comercial ang ipinalabas kesa sa mismong laban (puro commercial pa mismo ni Pacman) at dami ring mga prediksyon mula kay Quinito Henson, Nonito Donire Sr., Moy Lainez, Madam Auring at Manang Bola (Ba... be... bi.. Boxing!)
Natutugma talaga ang titulong “THE DREAM MATCH” para sa dalawang boksingerong ito, hindi dahil sa napanaginipan nila ang labang ito kundi para sa kanila;
Dela Hoya: Equal parts sell-out ang ninais ni nya!
Pacquio: Malaking opportunity para umangat lalo at marating ang di pa nararating ng kahit sinong boksingerong Pilipino. Kaya naman isang malaking legacy para sa alinman sa kanila ang manalo.

Oscar De La Hoya
35 na taong gulang, sa loob ng labing-anim na taon nya sa boxing na may 44 na beses nakipaglaban, 39 ang kanyang panalo – 30 dito ay knockout. Nagwagi na rin sya noon ng gintong medalya sa Barcelona Olympic. Sa mga nakalipas na taon, hindi masyado maganda ang takbo ng kanyang laro kaya naging part-time fighter lang sya. Sa kanyang huling dalawang laro, maganda ang laro nya at bulusok ng kanyang mga kamao sa mga unang rounds, kung saan nakakakuha sya ng mga puntos. Ngunit sa kanyang huling rounds, dito na nawalan ng lakas at bisa ang kanyang pagiging boksingero. Magmula ng labanan nya si Luis Ramon Campas noong May 2003, nagpasalit-salit na ang kanyang pagkapanalo. Kung masusunod ang trend at tadhana nya, maaaring matalo sya sa laban nya kay Pacquia, dahil nagwagi sya sa kanyang huling laban kay Steve Forbes nitong taong ito, na unanimous decision ang resulta.
Manny Pacquiao
Sa taong 29, papasok pa lang siya sa kanyang tagumpay. Ngunit mas lamang na sya ng laban na naipanalo kumpara kay De La Hoya ng may 52 laban. Naipanalo nya dito ang 47 matches at knockout match na may bilang na 35. Natalo ng tatlong beses kung saan dalawa dito ay draw. Simula noong natalo sya via unanimous decision kay Erik Morales noong March 2005, walong sunod-sunod na ang kanyang naipanalo. Marami pa ang may gustong magpalista upang labanan sya.
Ang match nya laban kay De La Hoya ay hindi lang para sa yaman o milyon-milyong dolyares na gantimpala, ngunit ang layunin nyang ito ay ang pagkakaluklok sa kanya sa boxing’s firmament.
Ito ay isang sensational match-up ika nga; ang taas, lakas, at reachj versus stamina, speed at determinasyon sa laro. Lahat ay gagawin ni Pacman upang mapatumba lahat ng pangalan sa larangan ng boxing. Sa proseso, napatumba na niya ang karamihan sa mga kababayan nitong si De La Hoya, kaya’t binansagan din syang “THE MEXICAN KILLER”.
Hindi ko naman talaga napanood ang laban ni Pacman at De La Hoya, dahil wala ako sa bahay ng araw na iyon, mabuti na lang at may nag-update sa amin ng isang kaibigan ukol sa nagaganap na labanan (Via text):
Bago ang laban nakipaghalikan muna itong si Dela Hoya sa mga kasamang lalaki! Si Golden Boy! Golden Girl pala! Lols!
Round 1: Nagpapayabanngan ng talon kaliwa’t kanan ang 2!
Round 2: Paramihan ng suntok sa ere! Kaya lumamang dito si De La Hoya!
Round 3: Humahabol si Golden Boy!
Round 4: Puro mukha tama ni Golden Boy!
Round 5: Mukha na naman ni Golden Boy ang puro tama!
Round 6: Magkamukha na sila!
Round 7: Lamog na Golden Boy! Pikit na left nya Nacorner! Sapul!
Round 8: Corner na naman Golden Boy! Hilo! Golden Brown na sya ngayon! Pangit na Dela Hoya! Round 9: Surrender na Golden Boy, luhaang hinanap ang mommy nya!Ay ayaw pang masira image nya!
Panalo na naman si Pacquiao! 8 rounds! Putok ilong ni Golden Boy saka talukap ng mata!

Mga ilang text reaksyon sa pagkapanalo ni Pacman:Photo Courtesy of teampilipinas.info & Flicker: Honeybabe's Photostream



Monday, December 8, 2008

The Amazing Race 13 (Winners-Nick & Starr)

Photobucket
There's Phil, waiting on the giant mat. The winning team is approaching.
NICK AND STARR HAVE WON THE AMAZING RACE 13!!!
The teams applaud Nick and Starr. They have won one million dollars. Good for them. They deserve it. And, it looks like my predictions were right on. Ken and Tina show up quickly, and are team number two. Upon finishing, Ken takes out their old wedding rings. He tearily asks if she'll wear it again. They bo
th put their rings on and kiss. Even Phil sheds a tear.
NickStarrWinners.jpg

Andrew and Dan reach the finish line some time later. They are team number three and are not disappointed at all. They admit that the first and second place teams were far superior to them.



1. Anita & Arthur became the oldest team ever to be eliminated on Leg 1.
2. 3 new countries were visited on the race: Bolivia, Cambodia and Kazakhstan.
3. Return to India for the 7th time, most visited country on the race, excluding the United States.
4. Nick and Starr won the most number legs in a row. (4)
5. Toni & Dallas are the first mother and son team to win a leg.
6. Nick & Starr won the most legs in 1 season (7).
7. Andrew & Dan are the third team to make the final 3 without winning a leg.
8. Nick & Starr are the 1st Siblings and the youngest team to win the Amazing Race
9. Least number of teams to win a leg (3)
10. First season where the U-Turn was available but not used
11. Ken & Tina are the fourth team to win 3 legs in a row
12. Only the second season to circumnavigate the world westward
13. Least number of countries visited, excluding Season 8 (8, tied with season 2)
14. Toni & Dallas are the first eliminated team unable to make it to the finish line
15. First season where two legs were in the same city (Legs 9 and 10 in Moscow, Russia)
TAR 13 Route Map

Leg 1: Los Angeles, California, USA ---> Salvador, Brazil
First Place: Nick and Starr
Last Place: Anita and Arthur


Leg 2: Salvador, Brazil ---> Fortaleza, Brazil
First Place: Ken and Tina
Last Place: Anthony and Stephanie


Leg 3: Fortaleza, Brazil ---> La Paz, Bolivia
First Place: Ken and Tina
Last Place: Mark and Bill


Leg 4: La Paz, Bolivia ---> Auckland, New Zealand
First Place: Ken and Tina
Last Place: Marisa and Brooke


Leg 5: Auckland, New Zealand ---> Siem Reap, Cambodia
First Place: Nick and Starr
Last Place: Aja and Ty


Leg 6: Siem Reap, Cambodia ---> New Delhi, India
First Place: Nick and Starr
Last Place: Ken and Tina


Leg 7: New Delhi, India ---> Delhi, India
First Place: Nick and Starr
Last Place: Kelly and Christy


Leg 8: Delhi, India ---> Almaty, Kazakhstan
First Place: Nick and Starr
Last Place: Terence and Sarah


Leg 9: Almaty, Kazakhstan ---> Moscow, Russia
First Place: Toni and Dallas
Last Place: Andrew and Dan


Leg 10: Moscow, Russia
First Place: Nick and Starr
Last Place: Toni and Dallas


Leg 11: Moscow, Russia ---> Portland, Oregon, USA
WINNERS: Nick and Starr
Runners-up: Ken and Tina
Third Place: Andrew and Dan


Divisoria, Manila

Kwentuhan tayo tungkol sa trip ko sa Divisoria!
Tindera: Kuya! Kuya! Anu po hanap nyo?
Mokong: San ba pwede mag-cr dito?
Ordinaryo lang naman ang araw ko nitong nakaraang sabado. Dahil puyat dulot ng Friday night, kakapanood ng tv o dvd marathon, syempre maaga na para sa akin ang alas-diyes ang gising ko (Batugan). Naririnig ko sa aking pagtulog ang usapan ng aking inay at aking asawa kahit 2 unan na ang nakatakip sa aking mga tenga.


Nanay: “Nina! Kelan ba tayo mamimili sa tutuban?”
Nina: “ Naku nay, hindi pa nakukuha ni Sherwin yung 13th month nya, offline pa daw yung atm.”
Nanay: “Ah Ganon ba...mmmm...kelan daw?”
Nina: “ Mamayang hapon balikan daw nya.”
(Sabay bangon ko upang makisalo sa usapang galaan at lakwatsta)
Mokong: Magkano bang budget kailangan mo nay? At sige mamimili agad-agad tayo pagkagising ko bukas.”
Nina: (Nakisagot) “ 3 thousand, marami na tayong mabibili don, mura naman mga tinda dun, yung regalo natin sa mga inaanak natin dun na natin bilin.”
Mokong: “ Ahhh... ganun ba? Sige agahan natin ang alis bukas.”
Nanay: “Ayyy! Kasama si Sherwin?” (Patanong kay Nina) “Tayo na lang Nina...” (sabay alis)
Nina: “Hayaaaa.. ayaw palang isama”
Mokong: “Okay lang.”
(Sabay hugot ng unan sa hinihigaan at pinilit i-suffocate ang sarili.)

Nang mawala na ng tuluyan ang antok. Naligo, nagbihis, nagkape, nanood ng tv, naglaro ng PC, tumunganga, kumain, tumunganga, tumunganga ulit, nakipagtitigan sa aso (Wuwu).
Mokong: “Wuwu!!! Tsuuuuh! Yuhoooh!”
(Sabay lapit ni Wuwu na kumakaway ang buntot salungat sa pagbaling ng mga balakang)
WUWU: “Aw aw aw! (Asan na pagkaain? Asan na pagkain?)”
Mokong: “Walang pagkain, hindi pa nakakapagluto ni Nina.”
Wuwu: “snip snip...hikbi hikbi!”
Mokong: Laro tayo...titigan, ang unang kumurap... Pangit!
Wuwu: “Aw aw (hmmm... Deal!)” ( Sabay pindot sa pulang buzzer)
Mokong: “1...2...3...game”
Makaraan ang 3 oras ng titigan ng walang kurapan, (Ayaw magtalo ni Wuwu sa labana) nang biglang pumasok sa eksena si Nina sabay sigaw ng,
Nina: “Bingi ka ba? Hindi mo ba ko naririnig? Kakain na ka ko!”
Ayun, natalo ako dahil sa pambubulabog ni Nina. Nasira tuloy ang aking konsentrasyon. Anak ng putek!
Mokong: “Wuwu! Tinalo mo ko!
Wuwu: “Aw Aw (Well..well)”
Mokong: “Oo na, ako na pangit”
Wuwu: “Aw aw aw aw aw aw (maganda talaga ko, 3 askal yata manliligaw ko ngayon, at lahat sila natikman ko na)”
Mokong: “Okay lang, gwapo pa rin ako, di tulad mo...takot maligo na, tira-tirang ulam lang kinakain...”
Wuwu: “Aw aw aw (EPAL NITO!)
Mokong: “Wag kaya kita pakainin?”
Wuwu: “Aw aw aw (WHATEVER...LOSER!!!)

Walang katotohanan ang uasapan naming mag-amo. Batong-bato lang talaga ako ng araw na yon. Kung pusa nga makikisali, why not! Nababaliw na yata ako, nasisiraan ng ulo...halos hindi ko na nga kilala sarili ko paghumaharap ako sa salamin;
Mokong: “Who You?”
Sherwin: “TANAMO!” (pagalit na sagot ng aking reflection sa salamin)
Minabuti ko na lang balikan ang atm sa bayan upang makuha ko na ang 13th month ko. Dahil hanggang palengke lang tricycle na nasakyan ko, naglakad pa ako ng 3 kilometro patungo sa atm booth (Imbento!). Nang malapit na ako sa atm booth, 1 kilometro pa lang ang layo, ay natatanaw ko na ang malaking nakasulat sa monitor ng atm mavhine “OFFLINE..SORRY” (Bwisit kayong mga bangko kayo, kayo kaya maglakad ng 3 na kilometro mula sa binabaan ko patungo rito?).Kelan ka ba mag-o-online lintek ka? Wala na kong ka-chat...kaw lang naman solid chatmate ko weh... mag-online kana please (LOLS). Kaya minabuti kong bumalik sa palengke, at sa Metrobank ATM booth na lang magwithdraw. Mahaba ang pila at tutojk pa sa araw, okay lang yon basta makuha ko lang pepe ko, ayoko ng maglakad pang muli ng 3 na kilometro pabalik sa ATM booth na yon (ewan ko sa ka-oa-yan mo!), para malaman lang kung On-line na ba sya.



Nang makuha ko ang aking pera, tumingin-tingin sa paligid, nagbabakasali na baka may masasamang loob na nagmamasid sa akin. Nang makadiskarteng walang nakatingin, agad-agad kong itinago ang pera sa bulsa ng aking pulang brief. Sabay walkathon papalayo, binilisan ko ang aking paglakad, pabilis ng pabilis hanggang makarating ng Pandayan bookstore. Sinadya kong dumaan dito bago umuwi, upang mabigyan ko naman ng konting reward ang sarili ko. Isang Maxim magazine ang nabili ko, December 2008 issue. Si Cristine Reyes ang nasa cover, dahil crush ko sya, agad-agad ko itong dinampot at nakisali sa pila upang magbayad. Crush ko si Cristine simula nung napansin kong nagdadalaga na sya, nang lumipat sya ng ABS-CBN mas lalo kong nakitang nag-bloom ang kanyang katawan at kagandahan (Di ba Nina?). Habang naghihikab sa pila ng cashier, humablot ako ng 3 chocolate malapit sa kinatatayuan ko. Iuuwi ko kay Nina, na kalahating araw ng nag-aantay sa akin sa bahay. Nang madukot ko na sa aking pulang brief ang pambayad sa aking bibilhin, naisipan kong ihabol sa aking babayaran ang isang binder – wala lang naisipan ko lang bilin. Nang makabayad, dali-dali akong tumalon sa tricycle na kanina pa ako kinakawayan na hindi ko naman alam kung bakit – kumaway naman ako kahit hindi ko sya kakilala o natatandaang nakainuman.


Sa pagsapit ng dilim, nanghahasik na ng lagim.. ang mga kaaway ng ating taga-pagligtasa-aahh...unti-unting nagsisipaglabas...nanlilisik pa ang mga mata... na nakakatakot..lalo na yung color yelow...La lang..trip ko lang, yan kasi ang nasa isip ko habang sinusulat ko ito (tama ba lyrics?). Kanina pa kasi play ng play sa utak ko. Ewan ko ba kung bakit.


Dumating na ang gabi, dahil wala na namang magawa kundi tumunganga, binuksan ko na ang aming krismas layts sa labasan. Upang inggitin ang aming mga kapitbahay sa ganda at magarbo nitong disenyo (Dang yabang mo!). Nang sumakit na ang aking mata sa pagmumunimuni habang titig na titig sa isang ilaw ng krismas lays, agad na akong pumasok upang uminom ng gamot sa sakit ng ulo. Nang nakapag-ayos na ng higaan si Nina, binuksan ko sa pagkakabalot ng plastic ang aking nabiling Maxim, na binasa ko cover to cover (Asus! Nagbasa Ka?).
Alas-diyes ng gabi, nabwisit na si Nina sa kanyang nilalaro sa computer kaya pinatay na nya ito, na nagbigay hudyat sa akin na buksan ko na ang tv. Balita ang palabas, puro tungkol sa laban nila Pacman at Golden Boy (Linggo Dec.07). Bukas na pala ang laban ng 2 pinalaki ng kanilang magulang sa kalye, kaya puro ayaw at suntukan ang natutunan. Ayon sa balita nagbitaw ng salita itong si Golden Boy;

DE LA JOYA : Quote Unquote I was trained for Kingkong, not for “Little Manny”. (Baka Little monkey ang ibig mong sabihin)

PACMAN: “Actually, ahmmm you know, i really don’t care what he said about me..you know” “Baka mag-take sya ng madaming Alakdan ip-ar pagkatapos ng laban! you know, yung gamut sa masel payn na parang taling nagkapilipilipit? You know?”

Sa commercial break, may bago na naman palang ini-endorse itong si Pambansang Kamao...
REPORTER: “Hey Manny, what is the world’s No.2 anti-dundraff shampoo?”
PACMAN: “Ahh, I really don’t know...”
REPORTER: “ How about trhe world’s no.1 anti-dundraff shampoo?”
PACMAN: “Ahhh... Hidden Soldier!”



Hehehehe..dang corny ko!... Anyway (Nakks sosyal), maaga na ko nakatulog ng gabing iyon dahil may lakad pa kami kinabukasan, tinapos ko muna ang Master Showman at inabangan nag Lupang hinirang ng ABS-CBN (Namputah!) na kumpleto ang buong kapamilya sa vtr na ito.


Linggo, araw ng bakbakan…hindi ko naman napanood ang laban ni Pacman at De La Joya, dahil ngayon nakatakda ang pangako ko kay inay, ang pumunta ng Tutuban Mall (Kahit ayaw nya akong isama). Mabuti na lang at na-tune in si manong bus driver sa istasyon ng am kung saan binabalita ang lagay ng labanan. Daming commentator at echebureche bago mismo ang laban, nakababa na nga kami ng bus ay hindi pa rin nagsisimula ang labanan. No choice, hindi naman kami pwede tumambay sa bus para subaybayan ang laban, kaya nagsimula na lang kaming lakarin ang kahabaan ng daan patungong Tutuban Mall.Kaya mabuti na lang at may nag-update sa amin ng isang kaibigan ukol sa nagaganap na labanan (Via text).Nang makapasok sa Mall, bumulaga sa akin ang napakaraming bilihin, na para akong bata na nakapasok sa loob ng Goya Fun factory! Marami kang makikitang bagsak presyo talaga, halos lahat gusto mong bilin at iuwi, masulit lang ang punta mo. Mapa-sapatos, tsinelas, laruan, damit hanggang cellphone, bags at gamit sa bahay ay mabibili mo dito sa murang halaga. Marami akong nabili, damit pambahay lang, 2 sando (50 each) at 2 boxer shorts (50 each). Si Nina, isang jacket (P165), 2 shorts (2 for P100), blouse (2 for P120), 2 kurtina, sticker sa tiles ng banyo, tsinelas pangbahay. Nakabili din kami ng tsinelas para kay tatay, at kay nanay naibili din namin ng 2 blouse. Naipamili na rin namin ng mga laruan ang mga inaanak namin para sa Pasko. Kaya ng nagastos lang namin ay humigit kumulang sa P2000, kasama na rito ang pamasahe naming 3 balikan at lunch sa McDo. Kaya sobrang tipid. Maglilibot ka nga lang masyado upang makapamili ng gusto mo talagang bilhin. Bukod sa Tutuban Mall, nilusob at sinalakay din namin ang Central Mall, 168 Mall, at pati ang kahabaan ng Divisoria. Sarap mamili dito, siksikan nga lang. Alas-tres na kami nakaramdam ng pagod at unti-unting nabubutas na ang mga bulsa kaya naisipan na naming umuwi upang makahabol pa sa aftershock ng laban ni Pacman.