Sunday, October 31, 2010

Morning Rush 225 (Funny Titles For A Scary Movie)


The Top Ten Funny Titles For A Scary Movie
October 29, 2010 Episode (Peticsologist)

FIRST BATCH
10. John Cyril - "Ba't may Aswang sa Papag at Nakatuwag?"
09. Yumi - "Meron Ka Bam Pira?"
08. Spy Shadow - "Multong Bakla sa Bahay ng Lola Kong Tomboy"
07. Dennis Pinch - "I Know! But Forgot What You Did Last Summer"
06. Oscar Dela Hopia - "Halimaw sa Jar"
05. Homer Singson - "Parang Normal Activity (Pero Hindi)"
05. Mr. Perk - "Trick or Tweet"
03. Galmites - "Mamang Bumbero, meron Vam Fire?"
02. Jay Ryan - "Ang Halimaw sa Panty"
01. Dennios Pinch - "Mag-Exorcist Tayo Tuwing Umaga"

SECOND BATCH
10. Homer Singson - "Phantom of The Operada"
09. Paul Jeffrey - "Kagat sa Dilim ng Babaeng Maitim"
08.Shark Bait - "Kandilang Itim ng Emong Bading"
07. Ernie - "Thanks God It's Friday... the 13th"
06. Shyanne - "Poltergays (Multong Bakla)"
05. Chef Freedom - "Waiting in Vein"
04. Anto - "Patayin sa Superpoke si Barbara"
03. No Name - "Salatin Mo ang Kulogo sa Itlog ng Dyablo"
02. Doc Ian - "Nightmare on Champaca Street, Barangay 556, Makati"
01. Dennis Pinch - "Pwet Cemetary"

THIRD BATCH
10. Ugly Kid Joey - "Close Encounter of The Third Kind"
09. No Name - "Nightmare On eLM-N-O-P"
08. Super Gelly - "Nightmare On I'm Straight"
07. Joel Paul - "Saw Saw"
06. Sharkbait - "Tabi-Tabi Pow!"
05. Homer Singson - "Implants Versus Zombies"
04. Moon Night Sky - "Sex Scenes (Six Sense)"
03. Humdinger - "Kapre Corny"
02. Marioh Caryo - 1. "Headless Dick"  2. "Mananang ng Brief"
01. Oscar Dela Hopia - "Swalloween (Ang Pagdadalaga ni Madam Auring)"

FINAL BATCH
12. Katy Perya - "The Ring-King-King-King"
11. No Name - "Pagurin Sa Indak Si Barbara"
10. Jayson - 1. "Ang Baho ni Lolo" 2. "halimaw na Bangag"
09. Erk-erk - "Anal Destination"
08. Chescatron - "Diablo Diablo Diablo JobBlow"
07. Joyce / Abs - "Ghost Sheep"
06. Fortunato - "Ang Baklita sa Balete Drive";
05. Rodel - "Ang Bahay-Bata ni Lola"
04. Boy Camote - "Extra Jaws"
03. Cappuchino 17 - "Gaano Kadulas Ang Pinsan?"
02. Marioh Caryo - 1. "Dedemon (Demonyong Jejemon)" 2. "Dis-Apir (Nawawalang Bading)"
01. Tyler Swift - "low Bat (Ang Paniking Mababa ang Lipad"

Saturday, October 30, 2010

Magandang Gabi Bayan (Halloween Special)


During Halloween, around early 90's, when I was in highschool, lagi akong natutok sa tv gabi-gabi. Looking for some halloween specials with my siblings and some friends. Lahat ng show sa tv, kahit hanggang sa ngayon, may halloween presentation, mapa-noontime show o gag show, ang Maalaala Mo Kaya, comedy sitcoms, special news documentary shows, may halloween special.

Hindi ako madaling matakot, hindi ako ganun kababaw sa katatakutan. Pero gustong-gusto ko yung mga pinag-uusapan nila about ghost hunting, white ladies, balete drive, kapre, nuno sa punso, sinaniban ng duwende at kung anu-ano pang lamang-lupa. Particularly, I love to watched before the Magandang Gabi Bayan’s Undas Specials. Simula pa lang ng show tatakutin ka na ni Noli de Castro, na biglang lalabas sa screen na kuha sa sementeryo.


Since Noli de Castro became our Vice President, he leave such an award winning show, sayang lang at wala ng MGB. Pinalitan sya ni Henry Omaga Diaz at ng anak ni Noli na si Katkat. Pero mas magaling pa rin para sa akin si Noli mag-host ng MGB, lalo na nga itong Halloween Special nila.

Well, anyway, about MGB’s Undas Specials…here are some of MGB's Undas Special aired last 2004. I hope some of you guys would remember a few of these segments / stories as well.

MGB Halloween Special 2004 Part 1


MGB Halloween Special 2004 Part 2


MGB Halloween Special 2004 Part 3


MGB Halloween Special 2004 Part 4

Friday, October 29, 2010

Imortal


Dahil malapit na ang halloween, wala akong maisip na kwentong Halo-Halloween ngayon. Naisip ko na lang ang natetemang palabas sa tv. Ang Imortal. Kagatan na, Lobohan pa!

Kung sa book at movie ay may Twilight Saga at sa US television series naman ay may True Blood at The Vampires Diaries. Hindi magpapahuli ang Pilipinas, nandyan ang Imortal. Wala akong kahilig-hilig manood ng tv, wheck! lalong lalo na sa tanghali o sa hapon. Sa gabi naman news lang. Hindi ko tipo ang manood ng drama, fantaserye o koreanovela. Porn! Manapa! Haha!


Noong nalaman ko ito nung una na may ganitong uri ng palabas ang ABS-CBN, sabi ko mukhang corny, ginaya ang Twilight saga. Parang walang kwenta kahit pa ba si John Lloyd (na idol ako) o si Angel Locsin (ultimate crush ko) ang mga bida. Ginaya na nila ang Glee ng US, ang Idol, walang nangyari kasi drama ang dating at hindi sya pang-teen kaya hindi gaanong tinangkilik. Pero nang sinubukan kong panoorin ang pilot episode nito, ilang linggo na nag nakakaraan, ayun sapol sa panlasa ko, sa akin lang ewan ko sa inyo, maganda ang pagkakadirek ni Chito Rono. Mabilis ang istorya hindi nakakinip at hindi madrama. Para sa akin, mas okay ang ganitong uri ng palabas na magandang subaybayan. Hindi gaanong predictable ang mangyayari.

Pinagpatuloy lang ng series na ito ang dating seies na Lobo (Angel Locsin and Piolo Pascual), dito ang anak nila ang bida bilang isang Lobo, si Lia. Para itong pinagsamang Twilight at Vampire Diaries. Twilight kasi magkakalaban dito ang mga Vampira at mga Lobo. Ang grupo ni John Lloyd, ang mga vampires, at ang grupo naman ni Angel ang mga lobo. May mga eksena o ilang characteristic ng mga vampira dito ay wala sa Twilight pero nakuha nila sa The Vampire Diaries, tulad ng pagbura sa memory ng tao.

Isang character sa show ay isang blogger si Jethro, na nakikita ang hinaharap, sa pamamagitan ng panaginip. Kung anu ang kanyang napaginipan ay sya nya agad ipo-post sa kanyang blog. Isang blogger ang napuntahan ko at naipost nya ang tungkol dito, sinubukan kong bisitahin ang blog ni Jethro at totoo ngang meron. Mga Pangitain ni Jethro. Pati mismo si Angel (Lia) ay nagcocomment dito. Hahaha ang galing pati mundo ng blog nasa tv show na.

So, yun lang muna, maganda ang Imortal para sa akin hindi dahil kay Angel kundi sa plot ng istorya, sa special effect at sa mga character nito. E anu ngayon kung nanonood na ako ng local telenovela, subukan mo kayang manood minsan, maganda kaya...try mo!

Thursday, October 28, 2010

Back to the 90's (The Corrs)



Tuwing linggo, madalas natng naririnig sa FM radio ang mga kantang Born Free, Tie A YEllow Ribbon, My Way, kahit anu'ng kanta ni Frank Sinatra, mga classic songs noong 50's, 60's at 70's. Yan ang panahong kinalakihan ng ating mga magulang, nila nanay at tatay pati na rin sila Lolo at Lola. Pagkakarinig ka nyan sa loob ng bahay namin, alam mo na linggo na. Mahilig ang nanay makinig ng mga lumang tugtugin. Kasi ito ang panahon nila, hindi sila maka-jive, yung ilan lang, sa mga kanta natin sa ngayon.
90's hits ang music ko, ito ang panahon ko. Dito sa panahong ito nahilig ako sa music at mtv's. Maraming music noong 80's ang gusto ko rin pero ang 90's talaga ang nagpasimula ng kahiligan kong mangolekta ng cassette tapes, cd's at mp3's. Pagdating ng panahon ang mga kantang to ang magiging classic naman sa mga susunod na henerasyon.




What Can I Do


Runaway


Give Me A Reason


Breathless


So Young


Dreams


Only When I Sleep


I Never Loved You Anyway


Don't Say You Love Me


Radio


Would You Be Happier


Long Night


Irresistable


Summer Sunshine


All The Love In The World


At Your Side

Wednesday, October 27, 2010

Morning Rush 224 (Things That Made You Go Aaaahhhh)


THE TOP TEN THINGS THAT MADE YOU GO AAAHHHHH
August 17, 2006 Episode (by Hannah)


FIRST BATCH
10. Brad Turkey – Every time my pre-teen daughter forces herself on our bed for a hug or a kiss.
09. No Name – I was watching America’s Funniest Videos and there was a clip on quadruplets laughing at the same time because their dad makes funny faces at them, it was so cute.
08. Cons – I was walking one time in Makati when I saw harness to another dog, so I was like, “How come their harness together,” So I approach the owner and asked why the two dogs are harness, it turned out the second dog is blind.
07. Cristina – One the most indelible memory as a child was that it was my mom’s birthday and I worked all day from morning all the way until her party at night on a painting. Finally, I was going to unveil my masterpiece and I was slowly approaching my mom from behind when she was talking to my tita and I heard her say out loud, “Yang bunso ko, yan ang pinakatamad at useless sa mga anak ko!”
06. Loi Pogi – When my friend told his dad that he is gay, the dad simply said, “it’s not important to me. Just make sure pag pumili ka ng lalaki ang piliin mo yung tulad ko, yung mamahalin ka unconditionally.”
05. Acer – Whenever I see senior citizen couple holding hands looking very much in love after all these years.
No Name – Simply the movie, “The Notebook”
04. Tuna Belly – Upon arriving at school 3 rowdy boys started bugging my daughter to play, she told them, “I’m allergic to boys!” and then whispered to me, “Except you dad!”
03. Zena – There’s this officemate who is married and who’s dropped gorgeous, and I’ve been trying to seduce him for years. One time, we were caught in a very uncomfortable situation where we were in a position to do something, I would never forget what he told me, “You are the hottest women I’ve ever met, but unfortunately for us I’m very much in love with my life.” And it was the best rejection I’ve ever got.
02. Kid Bukid – When my wife said “I love you!” to me yesterday, I asked her why she said that and she answered, “Hmmm coz It’s a Wednesday!”
01. Jen – We had such a difficult time when I gave birth because when my husband first saw our son who had Down syndrome, he screamed at the doctor and the nurses, “Hindi ko anak yan!” And we always had a problem with him dealing with it. But about 8 months after in the middle of the night, I caught him kissing our son and I heard him say, “I love you my baby.”

SECOND BATCH
10. Glenda – When Vince Hizon proposed to Patricia Bermudez before the game at Araneta Coliseum.
09. No Name – Last time in Commonwealth, it seems funny but deep down it is actually kind a sweet, I saw a couple on a bench, and the guy was removing lice from the girl’s hair.
Kid Bukid – When I was sick and my wife wasn’t home to take care of me, the one person I hated the most, the woman I call monster-in-law, never left my side until I got well.
08. Tina –When I called it quit with my husband after 15 years of marriage, none of my family said, “I told you so!” instead they all said, “Welcome back! We miss you!”
07. Wackac MD – I was a single mom, and one day I was having a “Hindi ko na kaya” moment and I was in my bed crying my heart out. My 6-foot son just lay down beside me waited for me to cry my heart out after I stop he looked at me and said, “O okay ka na ma?”
06. Erma – When my sister-in-law died on a fire with my niece, she was found embracing my niece the way her body was formed that really look like she was trying to shield her baby with her own body, they died January 9, 2006.
05. iPod nano – When I saw a picture of a cat and a dog hugging each other as they slept.
04. Twister – While I was at work I got to talked to my husband who work abroad and I was telling him that I missed the kakanin he used to give me all the time when he was still here at the Philippines. I was surprised when I got home from work there was a basket of kakanin on the table. It turned out he called his sister and asked her to bring over some kakanin.
03. Shenobi – I wasn’t able to attend a family beach outing, my youngest son was crushed but he went anyway. While playing in the sand my mom told me that she saw him scribbling on the sand “I LOVE YOU MA”
02. Skitso – When I cried so hard because we cannot conceive after more than a year of marriage, my husband told me, “Okay lang naman kung tayong dalawa lang di ba? Saka bonus lang naman kung may baby tayo di ba?!”
01. Ronnie – I once had a 70-year-old patient who died, when I finally told the wife she was actually calm, she was very calmly, kissed her husband and whispered, “Alam ko pagod ka na, kung nasaan ka man antayin mo ko.”

THIRD BATCH
10. Young Indy – My dad is a man of few words but every once in a while he calls me “Ang pag-asa ko!” whatever that means it really makes me smile.
09. Teacher Dianne – I received flowers from out of nowhere with a note from my boyfriend and it went, “Pwede ba kitang ligawan ulit?”
08. Mafia A Mama – When my 5-year-pld was having a pasikatan with his friend, his friend said, “Ang tatay ko magaling magmotorsiklo!” since we don’t really have that, my son said, “Yun lang! E ang tatay ko magaling magmaneho ng… ng… ng PEDICAB!”
07. No Name – I was on a phone at home with my boyfriend who was at work and we were getting mushy, he asked me, “Gaano mo ako kamahal?” so I gave him a long winding weirdly statement on how much I love him, and then I returned the question, “E ikaw gaano mo ako kamahal?” and he said, “Open your gate and you’ll see!” and when I went downstairs, he was right outside and he skipped work just to spend the whole day with me.
06. No Name – Greet Text: “Please greet my ex-girlfriend Faye, I’m driving her to work this morning. She broke up with me 5PM yesterday, I just want to thank her for the wonderful 25 months.”
05. Gentle Wind – Whenever I thank my husband, whenever he does something for me, he always says, “Masaya akong paglingkuran ka.”
Classy Sassy – My boyfriend gave me 183 roses with a note that said, “For the day I wasn’t able to tell you I LOVE YOU”
04. Car – My dad is in the army, he is very serious and quiet. When I move to Manila for college, I texted him, “I lab u dad!” and he texted back, “Lab u” rarely said but always felt.
03. Lobster – I’m always late, it’s a very bad habit of mine. When my barkada brought it up, I asked my boyfriend, “What is the longest I ever made you wait?” he answered, “3 years” I was in a 3-year relationship before we got together.
02. Sayuri – my son was having a pasikatan with his friends, one friend told him, “Mas magaling mama ko stewardess, kaya ang dami kong pasalubong!” and then the second kid said, “Mas magaling ang mama ko sa Boracay nagwo-work kaya lagi namin s'ya binibisita dun, lagi kami nagsuswimming!” and then my kid said, “Mas magaling ang mommy ko walang trabaho!” and then everyone started laughing, and then my son goes, “Kaya kasama ko siya lagi buong araw!”
01. No Name – Two brothers were confined at the hospital for Dengue, the older one unfortunately died just a few hours later due to massive bleeding. The younger brother got better but was not told about his brother, on his first full meal he didn’t eat half and when we asked why he said, “Si kuya kasi baka hindi pa kumakain, laging share kami sa ulam eh!”

Tuesday, October 26, 2010

Killer, Judge, Police, Victim


Kapag kasama mo ang buong tropa, hindi nawawala ang kung anu-anong kwento, katatakutan, kung anu anong L, kagaguhan, seryoso, love life, susunod na gimik, kaya pa bang tumagay? Sino na ba ang tipsy at bibigay? Nagboblow na ba mukha mo? Sa grupo namin, hindi nauubos ang kwento. Kahit na sabihin mong maaga ang uwian, pampaantok lang ang sinadya ng inuman, kunyari lang yun. Dahil once na dumaloy ang alak sa lalamunan, tuloy tuloy na yan hangga't kaya, hangga't nag-eenjoy pa. Bahala na bukas sa sakit ng ulo, puyat, hangoverrrrrr!!!


Isa sa nagpapahaba ng inuman ng grupo namin ang isang larong kinababaliwan. Lumang laro, sa akin, dahil ako lang ang nakakalam, ako ang nagturo sa kanila kung paano laruin. Nalibang naman sila at nag-enjoy. Hindi ito sugal, isa lang tong libangan para sa maramihan o grupo ng inuman. Kahit naman walang alak sa lamesa, okay lang laruin ito, kahit kayo-kayong magkakaibigan pwee, buong pamilya, masaya to.


Tinatawag namin itong Killer-Judge-Police-Victim. Kailangan mo lang ng baraha, kahit hindi na sya kumpleto pwedeng-pwede. Basta may King, Queen, Jack, at Ace hanggang 10 na cards. Mas marami mas masaya, minimum player dito ay 4. Kung sampu kayo, kailangan nyo ng isang King, isang Queen, isang jack at A-6 na cards. Shuffle mo lang, tapos pabunutin mo lahat ng kalaro mo, huling card sayo.




KILLER (KING CARD)
Ang pinakamahirap na role sa lahat. Wala syang gagawin kundi kindatan ng palihim ang lahat ng nakabunot ng victim. Hindi nya alam kung sino sa 9 pa na kasama nya ang 7 na nakabunot na victims. Ang goal nya dito para manalo sya ay mapatay lahat ng victims. Kahit ang judge pwede nyang mapatay, wag na wag lang ang police, dahil the gae is over at ikaw ang mapaparusahan.




POLICE (QUEEN CARD)
Ang pangalawa sa pinakamahirap na role. Ang trabaho ng police ay mahuli kung sino ang killer, mahuli nya dapat na kumikindat ang killer. Pwede rin syang manghula kung may kutob sya kung sino ang pumapatay o kumikindat. Pero nasa sa kanya ang risk. Dahil pag mali ang nahuli nya, imbes na killer e judge o isa sa mga victim, ikaw nag mapaparusahan. Ang isa pa sa mahirap na katungkulan mo ay pag napatay na lahat ng biktima, ikaw ang mahahtulan ng judge.



JUDGE (JACK CARD)
Wala kang gagawin kundi magbigay o magpataw ng parusa sa killer o police. Ikaw nag magbibigay ng dare, truth o consequences, bahala ka kung anu gusto mong iparusa sa magiging akusado. Nasasayo ang hatol. Hindi ka pwedeng manghuli ng killer kahit nakikita mo syang kumikindat sa alinman sa mga victim. Tahimik ka lang, trabaho ng police nag manghuli.




VICTIMS (ACE, 2 TO 10 CARDS)
Wala kang gagawin kundi magmasid-masid sa mga mata ng kasama mo. Tahimik ka lang, makipagtitigan. Bawal tumingin sa itaas o sa ibaba para umiwas sa killer, bawal yun, mahihirapan ang killer na kindatan ka. Pag nakindatan ka, 2 seconds ang buhay mo, after 2 seconds, yuyuko ka. Wag kang papahalata kung sino ang kumindat sayo. Yoko ka lang hanggang sa matapos ang round ng laro.


Kahit anung parusa pwede nyong ipataw sa larong ito, kung ikaw ang police o killer. Sumayaw, kumanta, strip or dare, halikan ang katabi mong lalaki o babae, torrid kissing, 5 sunod sunod na tagay na walang chaser, kahit anu basta masaya. Ilan sa inyo malamang alam na tong laro na ito. May ibang version at may ibang rules. Nag-eenjoy kami dito sa larong ito. Nakakawala ng lasing at antok. Kaya nga inabot kami ng alas-dos ng umaga sa inuman.

Monday, October 25, 2010

St. Peter The Apostle Parish, Bulacan

Last week, Divine Mercy Shrine sa Marilao Bulacan kami nagsimba. Nitong nakaraang linggo, dito muna kami sa aming Parokya nagsimba. Alas-7 ng umaga ang misa hanggang 8. Mahirap gumising ng ganoong kaaga, dahil isang beses lang ang misa dito sa amin sa umaga, hapon na ng alas-5 ang kasunod. Hindi katulad sa Divine Mercy, ma-late ka man ng gising, may maabutan kang misa, dahil hanggang tanghali ang misa duon.






Maganda na naman ang semon ngayong linggo, tungkol sa dalawa uri ng tao sa loob ng simbahan. "Ang nagpapakataas ay syang aking ibababa, at ang nagpapakababa ay siyang aking itataas."






31 years na akong nagsisimba dito, pero humigit isang taon na yata yung huling dalaw ko at pagpasok ko sa loob ng simbahan nato. Marami na ang nagbago, ang kulay, exterior at interior paint at nabago na dati'y puting-puti na ngayo'y naging mint green. Pati ang aming pari ay bago na rin. Marami na rin akong kakilala na nagsisimba ang nakita ko ulit, mga dating kaklase, kapitbahay, devoto, kaibigan at ilang kilalang kandidato, na nagpapamigay ng sample ballot nang matapos ang misa. Ipinagdasal ko na lang ang matahimik at maayos na barangay election. Na kasalukuyang nagaganap ngayon.


Sunday, October 24, 2010

Morning Rush 223 (Tips on Election Day)


THE TOP TEN TIPS ON ELECTION DAY
May 10, 2010 Episode (by Abernathy)
  1. Wandering Eneri/Lancey – Don’t be discouraged by the crowds and long lines. Don’t leave without voting. Fight for your right to vote! It’s a small sacrifice to make for the future of our country.
  2. Elen P. – No erasures.
  3. Roy – Don’t over vote. You can under vote, but not over vote.
  4. Bonn Ryan – Vote for who deserves to win and not just for the ones who have a good chance of winning.
  5. Elen P. – Bring a valid I.D.
  6. Princezalthea – After voting, go home. Don’t linger, just to be on the safe side.
  7. OscarDelaHopia – If someone is trying to buy your vote, you can opt to accept the money, but don’t let that change your decisions.
  8. Superjellie – On vote buying, ask yourself kung saan babawiin ng kandidato ang perang ibinigay sa yo.
  9. Superjellie – Please wear deodorant, maawa kayo sa mga katabi mo.
  10. Abernathy – Bring lots of water, a fan & an extra shirt. This election season is literally hot!
  11. Targrod – Don’t remove the ink till May 12. May buy 1 take 1 daw sa Subway (I hope it’s true!).
  12. Kandy Kane – If you can avoid it, don’t discuss your choice of candidates while waiting in line. Some people get fired up about it and conversations could get heated.
  13. Targrod – Respect the vote of your peers.
  14. OhGerald – Do not let anyone intimidate you when casting your ballot.
  15. Targrod/Abernathy – Wear neutral colors when you vote. And remove election paraphernalia. Electioneering yun.
  16. Targrod – 10 pesos lang ang c2 sa 7-11 and mini-stop today!
  17. Jedi Mstr – As we make the bed we will lie in  for the next 6 years, let us make sure that today the pen will be mightier than the sword.
  18. OhGerald – You will have four tries to put your ballot through the PCOS unit. If after the 4th try it doesn’t read properly, goodbye ballot.
  19. OhGerald – For our seniors, and those who have “blurry eyes” bring your eye glasses kasi may kaliitan ung bilog na hugis itlog.
  20. Jedi Mstr – Bad politicians are sent to MalacaƱang by good people who don’t vote.
  21. Jedi Mstr – Base your vote on who you like, not on who you’re voting against.
  22. SidneyRomerosa  – Believe in the power of your vote. In the end, your candidate may not win, but at least you made a stand and tried to make a difference.
  23. Petixologist/BounceBoink – Don’t vote for a “lesser evil”. Vote for the “greater good”.
  24. Astroboy – Bring your senior citizen I.D. The elderly are prioritized.
  25. Mojacko – Don’t rush, but don’t take too much time as well. Madami pang nakapila para bumoto.
  26. Elen P. – Hindi bawal magtanong kung may hindi naiintindihan sa bagong proceso.
  27. Prince Jarie – Wag kumain ng suman bago bumoto. Malagkit.
  28. Mr. Perk – Be patient, it’s our first automated elections. Expect some glitches, but let cooler heads prevail.
  29. OscarDelaHopia – To the voters, wag pasaway kapag inaayos ang pila!
  30. OhGerald – Exercising is good for the health. Exercising your right to vote is good for the country.
  31. Wandering Eneri – Refrain from smoking. Madami na ngang tao, maint pa, di pa kami makahinga sa usok niyo!
  32. Petixologist – Iboto yung tama, hindi yung may “tama”.
  33. Silver Bullet – Sa mga pasmado ang kamay, ingat lang sa pag-shade, baka lumagpas sa bilog na hugis itlog.
  34. Blitzkrieg – It’s a long wait. Bring your iPod, PSP, a book, anything to while away the time. We’ve been on standby for the past 2.5 hours now.
  35. Wandering Eneri – Sa mga supporters ng mga kandidato, tapos na po and campaign period, kaya tumigil na kayo!
  36. Greg – Tandaan ang mga pangalan ng kandidatong bumibili ng boto niyo. Sila ang mga corrupt ngayon palang. Paano pa pag may kapangyarihan na sila?
  37. Blitzkrieg – Sa mga EMO, tanggalin muna ang black nail polish, para kita ang indelible ink.

Saturday, October 23, 2010

Music In My Head (Just The Way You Are)

by Bruno Mars

"Ang musika ay parte ng araw-araw na pamumuhay natin. May iba sa atin na ginaganahan mag-aral kapag may music, ginaganahan kumain pag may music, etcetera etcetera... at kadalasan pag sobra nating pinapakinggan ang isang kanta, nagsa-stuck ito sa utak natin at yun na ang song for the day natin, minsan pa nga tumatagal ng ilang araw, isang linggo. At kahit yung pinaka-ayaw nating kanta ay nagsa-stuck din! Sa ngayon eto ang LSS Ko!"


JUST THE WAY YOU ARE
Oh her eyes, her eyes; Make the stars look like they're not shining.
Her hair, her hair; Falls perfectly without her trying.
She's so beautiful; And I tell her every day.

Yeah; I know, I know, When I compliment her
She won't believe me. And it's so, it's so
Sad to think that she don't see what I see.
But every time she asks me "do I look okay?", I say:

When I see your face, There's not a thing that I would change.
Cause you're amazing, Just the way you are.
And when you smile, The whole world stops and stares for a while.
'Cause girl you're amazing, Just the way you are.

Yeah, Her lips, her lips; I could kiss them all day if she'd let me.
Her laugh, her laugh; She hates but I think it's so sexy.
She's so beautiful, And I tell her every day.

Oh you know, you know, you know. I'd never ask you to change.
If perfect's what you're searching for, Then just stay the same.
So, don't even bother asking. If you look okay; You know I say:


When I see your face, There's not a thing that I would change.

'Cause you're amazing, Just the way you are.
And when you smile, The whole world stops and stares for a while.
Cause girl you're amazing, Just the way you are.

The way you are. The way you are.
Girl you're amazing, Just the way you are.

When I see your face, There's not a thing that I would change.
'Cause you're amazing, Just the way you are.
And when you smile, The whole world stops and stares for a while.
'Cause girl you're amazing, Just the way you are.

Friday, October 22, 2010

SaSa 2 (June 2010 Update)

"Dog is a man's bestfriend" totoo yan. Bata pa lang ako napatunayan ko na ang kasabihang yan. With my newest dog, SaSa, she proves it. June 2010 ko sya nabili, 4 months pa lang sya non, now at her 8th month, we are celebrating her fourth month with our family. Dahil na rin sa wala pa kaming baby ni wifey, sa aso namin binubuhos ang pagmamahal at todo alaga.


Feeling din ng aso na to, hindi sya aso, baby yata. Mahilig matulog katabi si Nina, sa braso pa mismo. Bago matulog sa gabi, makikipagharutan pa yan sa amin, tatalunan ka sa mukha habang kinakalmot yung suot-suot mong damit. PAg napagod, hihiga na yan sa pinakasulok ng kama, sisiksik sa ilalim ng unan, yung pinakamasikip talaga, hindi ko alam pinaglihi yata sa "ti__"" tong shih tzu na to at nahihilig sa masisikip!


MAya-maya makakaramdam na yan ng antok at alam na nyang patulog na kami, lilipat na yan ng bagong pwesto, she gave us privacy. May isisp si kumag, natuto ng mahiya. During her first 2 months with us, kung saan saan yan umiii, favorite place nya yung gitna ng kama, kumportable yata sa malambot, at kaya lagi dun sya nagwiwewee. Minsan naman patibong, sa may pintuan, kaya pagnagising ka ng umaga at madilim pa, lalabas ako para magkape, magugulat na lang ako basa ang natapakan ko. Gusto kong magalit pero natatawa na lang ako.
Lumalaki na rin ang eyebag ko sa puyat, madalas, nauunang matulog to, ako kasi insomiac, 1am o 12MN ang tulog ko, kaya pagkumpleto na ang tulog nya, alas-3 o alas-4 gigisingin ka nya, aakyat ng kama, didilaan ang mukha ko. Syempre ako, kahit puyat at bitin sa tulog, hindi gaanong pagalit, papatulugin ko ulit. Ibababa sa kama at ilalagay sa kama nya. Suklayin mo lang ang buhok nya, kakalma na yan at matutulog na.

Galit sya kay Hello Kitty, basta hello kitty gustong-gusto nyang ngatngatin, tsinelas, stuff toy, unan. Collection ni wifey ko yun. Gigil na gigl yan, nakikipagwrestling kay hello kitty.


Dahil feeling nya yata tao sya, masaya yan pag may suot na damit, kaya nga noong biili namin sya ng shirt at shoes, sa una ayaw tumayo naninibago pero nang magtagal at masanay, ayun kulang na lang mag-bless kila nanay para mamasko.

Madaling magsawa sa dog food, kaya minsan pinapakain namin ng kani, at ang favorite nyang ulam, gulay! Kahit anung gulay kakainin nya, lalo na yung kalabasa. Minsan naabutan ko yan kumakain, nabusog yata, kinagat yung malaking piraso ng kalabasa at nagpunta sa higaan nya, pinasok ang ulo sa ilalaim ng kutson at paglabas ng ulo wala na yung kalabasa. Marunong mag-impok, nagtatabi ng pagkain, binuksan ko yung higaan nya, natagpuan ko yung mga natabi nyang pagkain, skyflakes, kalabasa, dog food. Nagtatabi ng pagkain para siguro kung magutom uli may makakain sya.


Hayun nga, nakita ni wife ko nagmimeryenda ng tinabi nyang pagkain, taka si wifey kung saan galing yung kalabasa.

Gustong-gusto nya lumabas ng bahay, para makipaglaro sa mga dito sa compound namin. Gustong gusto nya yung hinaharot sya ng aspin ng kapitbahay namin. Tuwang-tuwa yan pag alam nyang ilalabas ko sya, mauuna pa sa pagbukas ng pinto sabay takbo sa damuhan. Takbo ng takbo na akala mo'y huling takbo na nya.



MAy shih tzu din ang pinsan ko, si Hershey, pero ayaw na ayaw ni Sasa makipaglaro sa kanya, wrestling ang gusto nya, kaya kawawang Hershey bugbog kay Sasa. Mas masaya si Sasa makipaghabulan sa aspin, hinahalikan ang bibig, takbuhan dito takbuhan duon. Si Sasa at ang Aspin naming aso, mistulang romantic movie scene na naghahabulan sa tabi ng dagat.


Ngayon, natuto na si Sasa kung saan dapat mag-wiwi at mag-No.2 alam na nya kung saan pwede at kung saan bawal. May lugar na sya at alam na nya yun. Nitong nakaraang linggo, kasama kong magjogging si Sasa, duon sya nag-no.2, 3 araw na sunod -sunod, nasanay, kaya kahit hindi ako nagjojogging, hinahanap nya yung lugar at 2 araw na hindi dumudumi. Dinala one time, ayun success daw sya! 500 meters ang layo sa bahay namin ang cr nya, bwisit!

Dahl bahay lang ako ngayon habang nag-aantay ng tawag sa mga inapplayan ko, kapag nababato pinagtritripan ko yang si SaSa. Suotan ng kung anu-anong damit. Aasarin, iinisin, sabay hahabulin ka nya. Nakakawala ka ng pagod at problema Sasa.

Si Sasa rin ang pinaka-model ko pagnasa mood akong magkuha ng pictures. Hindi sya camera shy, basta alam nya na kukuhanan sya. Pag may magandang pwesto, hihinto yan. Tititigan yung camera ko, na parang gustong itanong sa akin kung anu yung hawak ko. Ilalabas ang dila at magpapa-cute.

One time, nakausap ko ang pinsan ko. Ayaw daw nya mag-alaga ng ganitong uri ng aso. Mahirap daw kasing tanggapin pag nawala o namatay. 6 to 10 years ang life span daw ng shih tzu, parang tao din daw yan pag nawala sayo, mahirap tanggapin. Medyo nalungkot kami, at naisip ang future ni Sasa, natahimik kami at parang ayaw harapin ang mangyayari sa kanya. Naalala ko tuloy yung movie na "Marley and Me".


Alam ko na ang babaw ko, pero corny mang sabihin, mahal na mahal ko si Sasa, parang anak ang turing namin sa kanya. Dahl wala akong anak, sa kanya ko binuhos ang pagmamahal ng isang ama. Kaya natatakot ako na mawala sya. Nagdalawang-isip nga ako, one time tinanong ako ni wifey, "ung pagbibigyan ka God sa wish mong magka-babay, pero ang kapalit si Sasa, papayag ka?" Hindi ako makasagot. Kahit aso lang to, iba ang nararamdaman ko sa kanya, hindi lang aso-amo relationship, parang father-daughter na.


Maaga pa naman kaya hindi ko masyadong pinoproblema yun. Matagal-tagal pa naman. Kaya Sasa, papakabait ka. Next year baka mawalay nako sayo. Kung matuloy man ang pagwork ko abroad, mamimiss kita. Mamimiss ko ang paglaki mo at ang kaharutan mo. AT pag mmakabalik na ko ng Pinas wag mo kong tatahulan o kakagtin kasi aasuzenahin kita. Joke lang!

Thursday, October 21, 2010

Morning Rush 222 (Questions You Are Allergic To)


THE TOP TEN QUESTIONS YOU ARE ALLERGIC TO
August 07, 2006 Episode (by TMR)


FIRST BATCH
10. Mai – Anu’ng gagawin mo sa debut mo? (Because I don’t have anything plan so it kills me every time they asked)
09. Adrian Ortis – Bading ka ba?
Iya / Gorgeus Bitch – Virgin ka pa ba?
08. Basian Sink – And your point is?
07. Femural Eternity – Anu? kelan ba tayo magli live-in?
06. Inaki – Are you done yet?
Kid Bukid – Could you let me drive this time honey?
05. Tuna Belly – Every time I wear cycling short people asks me, “Sino’ng kaaway mo?”
Tuna Belly – Pwede mo ba akong samahan mag-grocery?
04. Doble Dos – Pwede magtanong?
03. Bestiol – Do you have an opening in your company?
Bestiol – Can you get my relative a job there?
02. Benny – (from my matapobre neighbor) Magkano bili mo dyan?
01. No Name – Pwede pabasa ng messages mo sa cel?
No Name – Anu’ng password mo?


SECOND BATCH
10. No Name – What’s your waistline?
09. Shyanne - What’s for dinner?
08. JS – I’m a teacher and what’s annoys me the most is during recitation, I call on someone and then the student goes, “Sir, pwede try lang?”
07. Kid Bukid – Sir wala ba kayong mas maliit na bill?
06. Miss Crap – San mo ba nawala?
05. No Name – Sir gusto nyo ng resibo?
04. Mc Denzel – Buhay o pera?
03. Scar – After a break-up people asks me, “Bakit mo pa sya pinakawalan?”
Estrella – May asawa ba?
02. Dunk – When I’m wearing a full basketball uniform and I’m holding my basketball people asks me, “May laro ka?”
No Nam e- Pagnagdadabog na ako and I’m throwing things around people go, “Galit ka?”
Loloi – When you’re obviously in pain and people say, “Masakit?”
Mazda3 – I’m losing my hair and I hate it when people go, “Nakakalbo ka ba?”
Jay Nudely – When you’re doing something so obvious like cooking and people go, “Anu’ng ginagawa mo?”
JS / Mao – When you say, “Get ½ sheet of paper crosswise” and people goes, “Ma’am crosswise?”
01. Inaki – Pwede po patingin ng itlog nyo kung gaano kalaki?


THIRD BATCH
10. No Name – When a TV reporter asked a tragedy victim, “So anu nararamdaman nyo?”
09. Maria Chanel – When you call up someone and you asked if someone’s home, the one who answered the phone goes, “Nandito gusto mo makausap?”
08. No Name / Kate – When people asks you “May boyfriend ka na?” that’s not the question I’m allergic to, it’s when you say, “Wala!” and then they go, “Bakit?”
Sleepy Head – O anu? Wala ka pa ring boyfriend?
07. Acer - Bakit kayo nag break-up ng girlfriend mong 19 years old dahil sa age gap?
06. Jome – I was involved in a car crash where my head hit the windshield and broke it. There were two questions that really railed me, “Miss masakit?” and “Miss gusto nyo ng yelo? (Sige please) Wala kaming yelo eh!”
05. No Name – When I’m home and someone calls me at our landline and then they asked, “Nasa’n ka?”
NO Name – When I’m not in a good outfit while I’m shopping in an expensive store and the saleslady go, “Bibili ka ba?”
04. Bigben Tisoy – While watching a movie and after a big awesome scene your friend goes, “Nakita mo yun?”
03. Sachi – My husband left me for his mistress, who happens to be his distant relative, I hate when neighbors go, “Iniwan ka ba ng asawa mo? Kasi tumataba ka eh!”
Gelmaites – During an intimate moment when she asks, “Asawa mo ba yang nagtitxt sa phone mo?”
02. Kara – An antipatika girl was taking my order in a fast food counter, so she asked me, “Anu’ng drinks?” so I answered, “Hot choco!” and then she goes, “Alin yung hot?”
01. Jaji – I was sound asleep when, at 4 am, my wife wakes me up only to asked, “Nakita mo ba yung dede ni baby?” so I answered, “Hindi! Kasi nakapikit ako kapag nattulog!”

Wednesday, October 20, 2010

Back to the 90's (98 Degrees)

Tuwing linggo, madalas natng naririnig sa FM radio ang mga kantang Born Free, Tie A YEllow Ribbon, My Way, kahit anu'ng kanta ni Frank Sinatra, mga classic songs noong 50's, 60's at 70's. Yan ang panahong kinalakihan ng ating mga magulang, nila nanay at tatay pati na rin sila Lolo at Lola. Pagkakarinig ka nyan sa loob ng bahay namin, alam mo na linggo na. Mahilig kasi si nanay makinig ng mga lumang tugtugin. Kasi ito ang panahon nila, hindi sila maka-jive, yung ilan lang, sa mga kanta natin sa ngayon.

At the age of 31 (ang tanda ko na... 3 decades plus 1) 90's hits ang music ko, ito ang panahon ko. Dito sa panahong ito nahilig ako sa music at mtv's. Maraming music noong 80's ang gusto ko rin pero ang 90's talaga ang nagpasimula ng kahiligan kong mangolekta ng cassette tapes, cd's at mp3's. Pagdating ng panahon ang mga kantang to ang magiging classic naman sa mga susunod na henerasyon.





Invisible Man


Because of You


The Hardest Thing



I Do (Cherish You)



My Everything



Was It Something I Didn't Say


Still



She's Out of My Life

Tuesday, October 19, 2010

Typhoon Juan


Tuwing may paparating na Bagyo, dahil sa sobrang lakas ng hangin, maraming tao na aking kakilala  ang pumapasok sa isipan ko, bakit? mahangin kasi! Buong maghapon mula paggising, dama ko na si Juan dito sa Bulacan, kakatamad gumising dahil sa ingay ng hangin at buhos ng ulan. Madaling araw pa lang ala-una ng umaga, nararamdaman na namin ang presensya ni Juan. Kaya naman ang sarap ng tulog ko.

Nakakatamad ang araw pag ganito ang panahon, buong araw ka lang sa bahay, nagkukulong sa kwarto para matulog, minsan kakain ng mainit na sotanghon, tsup tsup tsup! tsarap! At mayamaya maymagdadala ng mainit-init pang champorado, luto ni inay.  Kain, tulog, facebook, bloghop, farmville, powernap! buong araw.

Sinasabing ang bagyong Juan ang pinakamalakas na bagyo ngayong taong 2010, katulad din daw ito ng typhoon pepeng na nanalasa din sa Norte parte ng Luzon. Bukod sa pagtulog, kain at computer, nanood din naman ako ng tv, para makibalita sa update nitong si Juan. Asan na ba sya at kamusta naman ang kagaguhang ginawa nya? Share ko lang ang ilang videos na nakalap ko sa youtube, mga kuhang video mula sa Northern part ng Luzon ang bagsik ni Juan:


Taken in Aparri, Philippines by Geoff Mackley



Updates by ABS-CBN



Hindi lang sa Nortern part ng Luzon nadama ang bagyo, kahit dito sa Bulacan at Metro Manila, na kahit signal no.1 lang ay sinuspinde ang klase sa lahat ng antas pati mga government offices. Taga-Bulacan ako, at buong maghapon ngayon, October 19, 2010, panay ang buhos ng ulan. At habang tina-type ko tong post na to, hindi ko marinig yung tv namin sa lakas ng buhos ng ulan, kailangan mo pang itodo ang volume para marinig mo ang balita sa 24 Oras.

Ag dasal ko lang sana'y lumisan na agad si Juan, at sanay hindi gaano kalaki ang pininsala nito tulad ng ginawa ni Ondoy sa Metro Manila at ni Pepeng sa Hilagang Luzon. At sana, huling Super Typhoon na ito. Kung may darating mang bagyo pa ngayong taon, sana'y hindi ganito kalakas at humilis man lang sa Pilipinas.

Monday, October 18, 2010

Divine Mercy Shrine, Bulacan

Matagal na akong nakakalimot sa Kanya, last time yata July pa, kung hindi dahil sa dati kong employer na may first friday mass sa auditorium hindi ako makakapagsimba. Napakaraming blessing na ang dumating sa buhay namin, maraming pagkakataon ang ibinigay Nya, pero nakalimot akong magpasalamat, minsan.


Kaya nga nitong nakaraang linggo, kahapon, pinilit ko talagang gumising ng maaga, hindi para mag-jogging, kundi magpunta sa isang dinadayong simbahan dito sa Bulacan, ang The Divine Mercy Shrine sa Marilao, Bulacan. Hindi ito ang una kong pagpunta dito, pangatlo na yata sa pagkakatanda ko.




Pinili ko ang umaga dahil sa mas dama naming mag-asawa ang biyaya pagkatapo magsimba. Sakripisyo sa paggising at mas masarap sa pakiramdam ang misa kung umaga akmi nagsisimba. Dumating kami sa simbahan, alas-8, para makahabol sa 8:30 morning mass, pero 9 ng umaga pala ang 2nd mass. Kaya namasyal at naglibot muna sa likuran kung saan ginaganap ang unang misa.




Alas-9 nagsimula na ang mis, damang-dama mo na ang dami ng tao sa itaas man o sa ibaba, punong-puno kahit sa labas ng simbahan. Nagsimula na ang misa, tahimik na ang lahat, taimtim na nagdarasal at tumutugon sa sa misa.










Tamang-tama ang sermon ng pari, tinamaan ako don. Sinasabi na ang isang bagay lang ay pana-panahon lang daw, tulad ng halimbawa ang isang pamilya na gustong magswimming, panahon ng summer. May panahon din ng sakit, baha at payog, ang panahon ng tag-ulan. May panahon din ng Kapaskuhan at Undas, o Holy week. Pero ang pagdarasal o pakikipag-usap sa Diyos ay hindi dapat pana-panahon lang. Kadalasan daw kasi sa atin, kung kelan may kalamidad, malaking problema sa buhay o nawawalan ng pag-asa, saka tayo lumalapit sa kanya, saka lang tayo nakakaalala sa Diyos.


Inaamin ko ang laki ng utang na loob ko sa Diyos, ang laki ng kasalanan ko sa kanya dahil sa tagal na hindi ako nakakadalaw sa Kanya. Guilty ako sa sermon, pero ang galing dahil tinamaan ako at tamang-tama sa pananaw ko ngayon.


Matapos ang misa, nagsimula na kaming mamasyal sa likod ng simbahan, kung nasaan ang grotto, mga dasalan at souvenir shop. May kainan din sa likod at munting kuweba kung saan pwede ka umigib o kumuha ng banal na tubig.




The Divine Mercy Shrine Souverir Shop. Lahat mabibili nyo dito, any religious items, mula sa mga Statues to books, novena booklets to religious cd's and tapes, rosaries to bracelets.



















Nakakamiss yung pakiramdam after ng mass, yung parang ang linis-linis mo at ang banal banal ko. Hehehe! Ayaw kong mangako sa Diyos, pero pipilitin ko at tutuparin kong minsan isang linggo ay madalaw ko Sya. Magpasalamat, humingi ng tawad, at humiling para sa sarili at para sa Pamilya.